(Paano Ako Nabubuhay Sa Kabila ng Sakit na Meniere?)


Updated: December 2015

Nung Una ko itong naramdaman,. natakot ako. akala ko may kanser na ako. na mamamatay na ako., na parang ang buhay ko ay hindi ko na kayang ibalik sa dati nitong kulay. at sigla.

Ako ay 32 Y/0 sa kasalukyan. May-ari ng isang simpleng negosyong school supplies. at ilang mga online business dito sa Pilipinas. na inspire akong gawin ang Blog na "Meniere Philippines" upang sa gayon ay makapag bigay din ng inspirasyon sa mga katulad kong may sakit na "Meniere"

Lalo sa mga hindi pa masyadong nakaka alam sa sakit na ito.

marami na akong nagawang research tungkol dito. madalas lagi kong iniisip na baka mahanao ko ang solusyon sa sakit na ito. pero suntok sa buwan dahil wala pang lunas na natuklasan upang gamutin ito. gayun pa man. patuloy akong nag susumikap na abutin at tipunin ang lahat ng impormasyon tungkol sa sakit na ito.

napadpad ako sa ibat ibang lugar sa Pilipinas,. nakilala ko ang sari saring tao taglay ang may ibat iba na ring karamdaman na nakaka mukha ng sakit na ito. hindi man kasing pareho. dahil; may nakaka usap din ako na may mga "BI POLAR, merong may Anxiety Disorder, At medyo kokonti lang ang mga may kaso ng meniere. kaya na inspire ako na Gumawa ng espesyal na Blog na naka laan lamang sa topic na "Meniere Disease' dito sa Pilipinas.

Ano nga ba Ang MEniere:? Ito po ay ang KAso na kung saan may Nararamdaman kang Hilo. (Dizziness ) Vertigo. na may kasamang nagt Riring sa Iyong Tenga., madalas Nasa Left Ear ito nararamdaman.

Hindi ko na ito I e elaborate sa Entry na ito. You can do Some google about it. to learn more about the Definition of it. or maari mong I navigate page na ito., (Para sa Mas Malawak na Kaalaman sa Sakit na ito) and since Tagalog naman ang pagkakasulat. mas minabuti ko ito. upang mas maging mas malawak ang Pagkaka intindi ng Normal Readers,. Anyway/. We categorize this Blog in Diffrernt aspects. para maari ding maka pag adapt ang mga Foreign Readers.

Sa Ngayon. Kokonti pa lang ang mga Impormasyon na Makikita mo dito.  Kaya Ina anyayahan namin ang Mga Kababayan natin na nasa ganito ring Kondisyon,. upang makibahagi. at mag share ng kanilang Kwento.anumang mga suggestion at treatment remedies na naging effective sa inyo, maari niyo po itong ibahagi sa blog na ito.


Paano ako Nabubuhay sa kabila ng sakit na ito:? 

Ang aking isisiwalat ay maaring ikagulat mo, ako ang tipo ng tao na hindi nagagapi ng isang tradisyunal na paniniwala, hindi saklaw ng Anumang uri ng kristiyanismong pananampalataya ang aking buhay, pero naniniwala ako sa nag iisang Makapangyarihang Diyos. Naniniwala sa kakayahan ng Panginooon na Tulungan ang lahat ng tao. hindi dahil sa siya ay Muslim, Budista, Kristiyano o anumang pagiging miyembro ng denominasyong naniniwala sa pagliigtas,pagbabagong buhay at kabanalan.

sa mas malinaw na pag papakilala, ako ay isang "RADIKAL" na uri ng tao. Kung sino ka man, kung ano man ang relihiyon mo. hindi ko ito tinitignan. Hindi ako namimili ng kaibigan., dahil hindi ako plastik. kung galit AKO. GALIT AKO.  kung ayaw mo sa akin. hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo,

Nung Tinamaan ako sa sakit na Meniere, hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang lakas. at tibay upang mag patuloy. dumating sa buhay ko na napabayaan ko na ang aming negosyo., pati social life ko na apektuhan. madalas. nag kukulong na ako maghapon sa aming bahay, galit at laging masungit. pakiramdam ko kasi nun. parang wala na kong silbi. nasanay kasi ako na ako ang provider sa family. at nung nasa kalagayan akong nanghihina na. ang tanging nagpalakas sa akin any aking asawa,. ang aking mga anak. tuwing nakikita ko sila. ininiisp ko. "That i must Go on. kelangan ko mag patuloy. kelangan ko mabuhay para sa kanila,"

Muli akong tumayo, bumangon sa kabila ng umiikotng kong mundo,. umaalong paligid. at nakaka duling na paningin. kasabay ng ingay sa aking tenga (TINNITUS) na hindi ko maipaliwanag. Isang Halimaw na unti unting lumalapa sa aking pangarap. at buhay..

Ako ay naghanap., Sinubukan ang di mabilang na Uri ng estratehiya, tulad ng 'Cognitive Approach' (Pakikinig ng mga Audio MAterials na magpapalakas sa aking pananaw at reaksiyon sa aking stress Related issues) Sinubukan ko din ang Special Diet. "LOW sodium" Pagbabawas sa maalat na pagkain. mamantikang pagkain. (W/c is I will highly  recommended ) dahil effective ito at nababawasan ang Strikes of Dizziness sa nararamdaman sa katawan.

(To be Continued.)






    Blogger Comment
    Facebook Comment